Nasaan kana Kiana?
panulat ni : Geomark P. Mortel
Sa aking pagkakaupo bigla kong naalala papano nga ba ako napunta sa
kalagayan ito? Isang lugar na tila sariling akin at sa gitna nito ang aking
pag-iisa na maaari kong makausap ang aking sarili at makapagmuni-muni ang hindi
mabilang na bagay na hindi ko napag-uukulan ng pansin kapag nasa labas ako.
Nagsimula ito sa institusyon ng mataaas na paaralan ng MinSCAT, na kung
saan nasa unang taon ako sa kolehiyo na kumukuha ng BSEd major in Filipino.
Palakaibigan ako subalit kung ngayon lang tayo nagkita baka sabihin mong
suplado at masama ang ugali ko. Ganito ang aking talaga itsura, may salubong na
kilay, may malilisik na mata at labi na minsan mo lan matatangis ang pagngiti.
Umiikot ang mundo ko sa pag-aaral, barkada, pamilya at sa aking pinakamamahal
na si Kiana, Si Kiana? Oo, siya ang aking kasintahan mula pa noong unang linggo
ng pasukan ko sa kolehiyo dito sa pamantasang ito. Easy to get sya kasi este
madali lang talaga nagkaunan ang aming damdamin.
Sa aking pagpasok sa kolehiyo dito nagbago ang lahat sa aking pagkatao.
Ang dating buhay ko sa highschool na puro lang barkada at gimik ay nag-iba.Napagtanto
ko na mahirap ang buhay. Sa dalawang taon na aking pagtigil sa pagpasok
natutunan kong kumayod at magbanat ng buto..Natuto akong maging responsible sa
paggamit ng pera.”mahirap kumita ng pera lalo na’t kapos ka sa pinag-aralan”.
Mahirap lang ang pamilya ko, hindi kaya tustusan ang aking pag-aaral. At noong
nagkaroon ng pagkakataon na makapasok ako sa pamamagitan ng iskolarship ay
nilubos-lubos ko na ang pagkakataon.
Pumapasok ako bilang isang iskolar gayun din nagtratrabaho upang pandagdag para
sa aking pag-aaral at hindi din naman ako pinababayaan ng aking mga magulang at
binibigyan pa rin ako ng pandagdag sa allowance ko sa pagpasok. Ginagawa kong
araw ang gabi, sa pagiging isang Call Center agent ng isang telephone company,
isang Online job para sa isang working student na katulad ko. Sa dalawang taon
na pagtratrabaho nagkabili ako ng loptop na siyang ginagamit ko bilang isang
Call Center agent .Computer talaga hilig ko taliwas sa aking kurso sapagkat ang
prayoridad na kurso ng foundation na nagbigay sa akin ng iskolarship ay kursong
BSEd. Dahil sa kagustuhan kong makapag-aral walang ano-ano na tinanggap ko ito.
Masaya na rin ako sa kursong nakuha ko sapagkat marami akong natutunan na hindi
ko inaasahan makikintal sa aking isapan ni sa panaginip di ko ito inaasahan
kung kaya’t na-eenjoy ko rin ang propesyon ito.
Dumaan pa ang mga araw at gabi dumami ang aking kaibigan at ganun din
ang mga kaaway, hehe..di maiiwasan kasi kapag napaaway ang isa sa tropa syempre
tutubog na lahat yan.Buti na lang nariyan si Kiana upang gamutin ang mga sugat
na natamo ko at para pagsabihan ako kapag napapansin niyang lumilihis na sa
landas ang aking tinutungong daan para sa aking pangarap. Iyan si kiana,
da-best siya.Lagi niya akong napapangiti para syang payaso. Isa siyang babae na
ubod ng daldal na dumadating sa puntong kinatutulugan ko na ang mga kwento
niya. Si kiana ay kolehiyalang kumukuha ng kaparehas nakurso sa akin. AB
English siya dati subalit nitong ikalawang semester nag-shift siya para daw mabantayan
niya ako. Babaero daw kasi ako sabi nila. Mag-aapat na buwan na ang relasyon
naming ni kiana noon pero tila kilalang-kilala na naming ang isa’t-isa. Yun ang
inakala ko hanggang sa dumating yung panahon na naging abala kami ni kiana sa
magkaibang bagay. Siya, dahil sa pagiging irregular student at ako dahil sa
pagiging working student. Namanglaw ang relasyon namin, ginagawa ko naman lahat
subalit tila hindi sapat. Alam kong langit at lupa ang pagitan namin. Mayaman
ang pamilya ni kiana at mahirap lang ako hindi ko kayang ibigay ang mga
naibibigay ng mga naunang naging karelasyon niya. Ngunit alam kong
naiintindihan ito ni Kiana sapagkat simple lang, siya kaya nga nagustuhan ko
siya. Hindi mo mababanaag sa kanyang ugali ang pagiging marangya sa buhay
subalit ang iniisip ko noong panahong iyon ay ang mga pumapaligid sa aking
minamahal, ang kanyang mga kaibigan at ang istrikto niyang magulang. Dumating
na nga ang pangyayaring kinaaaywan ko, nakipaghiwalay sa akin si KIana, shit!
Sobrang sakit! Ito ang iksaktong sinabi niya “Benjie! Break na tayo! Kasi…..”
bago pa man niya matapos ang nais niyang sabihin yumuko na lang ako, tumalikod
at dahan-dahang lumayo.” Sa bawat hakbang ng aking mga paa kasabay nito ang
pagpatak ng luha sa aking dinaraanan na tila naging bakas ng pighati ng isang
lalaking nabigo sa inaasahan tunay na pag-ibig. Maraming pumasok sa utak ko
tila tama nga siguro ang naririnig kong sabi-sabi na may lalaking iba ba si
kiana”yan na lang pumasok sa isipan ko. Pero matapos ang pangyayaring iyon para
akong bilanggong nakakulong sa isang bartolina, madilim,masikip at palaging
hirap huminga. Sa aking paktakbo sa nakaraan tila nahihila ang lubid ng alala n
gaming pagmamahalan ni Kiana sa aking puso, patuloy na humihigpit, masakit!
Dama mo? Pero hindi dapat ganito. Pinilit kong ipagpatuloy ang buhay na wala si
Kiana kahit sobrang sakit na.
Lumipas ang mga araw, hindi normal sapagkat wala si Kiana. Ngayon may
umeksena, ang dalawang leon, ito si Leo at Leonard pawang mga kamag-aral ko at
naging barkada pasimula pa nung highschool kami. (boses na gumgaralgal)“hoy!
Benjie, Ano balita nagka-gf ka lang nakalimuntan mo na kami” wika ni Leo.
“Pinapaiwas kasi ako ni KIana sa Dalawang ito sapagkat may pagka easy-go-lucky
sila” sambit ko na lang sa isipan ko. May isa pang bumulyaw, tparang siga! “Oo
nga! Under ka naman ng gf mo!” sunod na banat ni Leonard. “Mga tanga! Wala na
kami dalawang linggo na” tila nauutal pero nasabi ko parin. “wag ka malungkot
brad, marami babae dyan ihahanap kita, gusto mo” tanong ng Leo sa akin. “ayaw ko!” yan ang sinambit ko.
“Oh! Sya tama na yan baka magkaiyakan pa tayo” sunod na wika ni Leo.
Buo na anamn ang dalawang leon at isang pusa. Iyan ang bansag sa amin sa
tuwing nagkakasama-sama kami. Dahil sa dalwang kolokoy na ito napawi ang
lungkot na nadarama ko. Si Leo kasi napaka-palabiro niyan, marami siyang green
jokes minsan korni, kadalasan patok na pinaguugatan ng ingay sa klase. Itong si
Leonard, tahimik parang ako lang pero nasa ilalim ang kulo. Babaero kasi yun.
Habang nagkakasiyahankami sa tambayan, patuloy umiikot ang baso sa aming
tatlo. Nahihilo na ako, empi light naman kasi ang binanatan. Hindi ako sanay
mag-inum subalit napilitan lan para sa kaarawan ni Leo. At biglang napunta sa
usapang pag-big.”bakit ba kayo naghiwalay ni Kiana” tanong ni Leo. “Hindi ko
alam at wala ako balak alamin kasi nung nakipaghiwalay sakin si Kiana yumuko na
lan ako at umalis at hindi na pinakinggan ang dahilan niya sapagkat sa salitang
“Break na tayo” wala! Blanko na! nilisan ng katinuan ang aking isipan at wala
ng ibang pumasok sa isip ko kundi ang salitang iyon” mabilis kong sagot sa
pag-uusisa ng dalawa. Nakita ko sa muka nila ang pagkadismaya sapagkat
inaasahan nila na magtatagal kami. Natapos ang inuman naming tatlo, nakita ko
sa muka nila ang pagkainis sa akin.
Lumipas ang araw, taon at hindi na talaga kami nagkita ni kiana simula
noong naghiwalay kami ialang lingo pa’y lumipat na siya ng kolehiyong
pinapasukan. Nang isang araw nilapitan ako ng dating lalaking naii-issue kay
Kaina. Nagpakilala siya sa akin na siya raw si bestfriend, Bestfriend na
itinuring ni kiana , umamin siya sakin na manliligaw siya ni Kiana subalit
binasted niya ito kasi raw may mahal ng iba si Kiana sa pagkakataong iyo walang
iba kundi ako, yan ang sabi ng
nagpakilalang bestfriend ni Kiana. Kita ko sa muka niya ang hiya , hindi ko alam
kung bakit niya sinasabi iyon . Napatulala ako sa pagkakataong iyon, nagkakamali
pala ako sa akala ko na naging magkasintahan sila. “Benjie may balita ka pa ba
kay Kiana?. Nagkalinawan ba kayo bago siya umalis?” masusing tanong ni Marion(
si wasted boyfriend material na nabasted). “wala, hindi ko siya nakausap”
sambit ko sa lalaking iyon. “Benjie ! mahal na mahal ka ni Kiana subalit mahal
din niya ang kanyang magulang at malaki ang takot niya rito, (lumaki at namilog
ang mga mata ko at napukaw ang interes sa mga naririnig ko, at nagpatuloy siya
sa pagsasalita)…nalaman ng mga magulang niya na magkasintahan kayo at lingid sa
kaalaman nating dalawa na mapangmata ang pamilya ni KIana. Subalit di ganoon si
Kiana alam mo iyon” wika ni Marion.”Napatitig ako sa malayo tila tinatanaw ang
kawalan at nanliit sa aking sarili. Dukha ako, Mahirap ang aking pamilya,na
hindi ako kayang pag-aralin sa kolehiyo kung kayat nagsusumikap ako bilang
isang working student para makapagtapos. Pag-aaral ko ang pinanghahawakan at
mataas kong pangarap subalit hindi pala ito makita ng mga magulang ni Kiana. Wala
lang sa kanila ang pangarap ko, mahirap lang ako, iyan lan ang nakikita nila sa
akin. Tila isa akong kandila na nauupos sa mga oras na iyon. Pahabol pa sabi ni
Marion “Benjie magsumikap ka raw sa pag-aaral at pinapangako ni Kiana na ikaw
lang at wala ng iba ang mamahalin niya panghabang buhay sapagkat
kilalang-kilala ka ni kaina, alam niya na magtatagumpay ka at magkikita pa rin
kayo para buuin ang pangarap nyo sa buhay. Alis na ako Benjie nawa’y nasagot
lahat ng katanungan mo sa isipan sa mga naiwan kong mensahe sa iyo, siguro
Benjie hindi lang ito ang tamang panahon wag kang panghinaan ng loob, gawin mo
itong pundasyon, panghawakan mo ang iyong pangarap, pakumbinsing sabi ni Marion
bago siya umalis.
Lumipas ang maraming taon, nakagraduate ako at nagkaroon ng trabaho.
“Tagumpay” ito ang salitang hindi ko makakalimutan sa iniwang mensahe sa akin
ni KIana. At ngayon tila nasa roruk na ako ng tagumpay. Naka upo sa ileganteng
upuan sa sarili kong opisina bilang isang CEO ng isang kompanya. Nakapagtayo ng
sariling tahanan at nabigyan ng maginhawang buhay ang
aking magulang at kapatid.Sa aking opisina, lugar kung saan nakapag-iisip ako
ng maayos, napagmumuni-muni ang mga gunita na hindi ko napag-uukulan ng pansin
kapag nasa labas ako. Salamat kay Kiana. Naging inspirasyon ko para maging
matagumpay sa aking tinatahak na pangarap. Subalit may isang tanong parin ako
na bumabagabag sa aking isipan, NASAAN NA KAYA SI KIANA?