Ang Kwento ng Pag-ibig
panulat ni: Geomark P. Mortel
Kapara mo’y rosas
mabango’t maganda
Ikay tila diwata nang
aking Makita
Di maipaliwanag aking
nadarama
Dating lantang
pag-ibig biglang sumaya
Kay tagal hinintay at
dumalangin sa buwan
Na aking makilala ang
aking paraluman
Binubulong sa hangin
bawat kong pagdamdam
At hinayaang maglaho
ito sa kalawakan
At ngayong ikay
nandyan na
Di na lamang sa
panaginip ako sasaya
Init ng yakap ko’y
iyong iyong nadarama
Pati higpit nito’y di
kana bibitawan pa
Mabilis uminog
mapaglililong panahon
Marami ring
nanganglagas na dahon
Ang iba’y nalayurat
iba’y nabasan
Pag-ibig lang natin
ang di naglaon
Nagdaan pa mga araw
at gabi
Pag-ibig nati’y
lubhang uminit , tumundi
Sinundan ng supling
nating hinabi
Na di naglaon’y
nasunda’t rumami
Dumating ang tag-ulan
at biglang namanglaw Dating tahanang puno ng halakhakan
Ngayo’y binalot ng
nakabibinging katahimikan
Tayong dalawa na
lamng muli sa munting tahanan
Mga ank nati’y
nagsipaglisan
Nagsawa’t pamilya’y
pinasan
Salitratong buo sa
dingdingan
Dalawang imahe nalang
anag naiwan
Ngayon hawak kamay
tayong magpapaalam
Tamis ng kahapong di
mapapalitan
Sating pagtanda at
pagtungo sa hukay
Sa langit itutuloy
dalisay na pagmamahalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento