Huwebes, Setyembre 11, 2014

UNA AT IKALAWANG WIKA NG MGA ALANGAN MANGYAN



ALANGAN MANGYAN

(isang pananaliksik)

proyekto sa
FILIPINO 1
Introduksyon sa pag-aaral ng wika

ipinasa nina:
    Gonzalo, Ben
    Hermosa, Kenn Reymond N.
    Masikap, Judie Anne T.
    Leona, Noime
    Diaz, Janine C.
    Mendoza, Jenny Rose
                                                                                          ipinasa kay:
    G. Aljune J. Castillo
         Instruktor I


INTRODUKSYON                                       
              Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa pag-aaral na may kinalaman sa wika at kultura ng tribong alangan mangyan. Ang alangan ay isa lamang tribo ng mangyan sa lalawigan ng Mindoro.
              Ang layunin ng pananaliksik na ito ay magkaroon ng matibay na batayan upang mas makilala ang wika at kultura ng alangan. Dahil sa ganoong layunin, pinili ng mga mananaliksik ang makipanayam sa mga taong malaki ang kinalaman sa tribo. Naging daan din si G. Ben Gonzalo isang mag-aaral upang bigyang linaw ang lahat, dahil siya ay isang alangan Mangyan. Gayundin, isinagawa ang nasabing pananaliksik upang Makita ang kaibahan ng wika nilang ginagamit sa ating wika maging ang pagkakatulad nito.

PAG-AASAWA
              Ang mga magulang ng binata at magulang ng dalaga ang magpupulong at magkakasundo parasa kanilang mg anak. Pag-uusapan ng dalawang magulang ang mga dapat gawin sa ayaw at sa gusto ng mga anak nila ang mga magulang ang masusunod. At pag-uusapan ng dalawang magulang ang dapat gawin bago ipakasal ang dalaga sa binata. At kung sila ay magkakasundo na sa mga gagawin at kung may sapat na mamanahin galling sa mga magulang ng magkabilang panig. Sila ay magkakaroon na nang isangmatibay na usapan. Tungkol sa pag-aasawa ng kanilang anak, ang binata o lalaki ay maninilbihan sa dalaga at tutulong sa gawain ng mga magulang ng dalaga hanggang dalawang taon o humigit pa. At ang magiging magbalae ay nagkakaunawaan na rin sa isa’t isa na mayroong malalim na pagkakaunawaan at pagrespeto sa isa’t isa.
BAGO IKASAL
              Magpupulong ulit ang dalawang magulang kung anong buwan ang takdang buwan ng pagpapakasal ng kanilang anak, isinasaalang-alang din nila ang kalagayan ng buwan kung bilog ba o hindi. Ayon sa paniniwala nila dapat bilog ang buwan. At ang magulang ng lalaki ay pupunta sa bahay ng dalaga upang makasal ang kanilang mga anak ng isang matanda na kanilang lolo o pinakamatanda sa baryo nila.
SA ARAW NG KASAL
              Sa unang gabi ng kasal binabantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa kanilang tulugan. At ang unang ikakasal ay lalagyan ng gulok sa ibaba ng unan. At ang kamay ng lalaki ay dapat nakapatong sa katawan ng babae at ganun din ang kamay ng babae. At lagi magkaharap sa paghiga habang natutulog hindi maaaring magkatalikod.
Ang paniniwala ng mga magulang at ang ikakasal
1. Ang pagpapaunan ng gulok ay para maging matibay ang pagsasama nilag mag-asawa. At ganun din ang anak nila malayo sa sakit at magiging mahaba ang buhay ng mga magiging anak nila.
2. Ang pagpapatong ng kamay ng lalaki sa katawan ng babae upang maging malalim ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa at lagging iisa ang pagpaplano at layunin nila sa kanilang paghahanapbuhay.
3. Ang lagging magkaharap ay upang maging maayos ang kanilang hanapbuhay. At ang kanilang mga tanim ay laging nagbibigay sa kanila ng masaganang ani. At ang kanilang mga anak ay malulusog at may mahabang buhay. Magiging maligaya rin ang kanilang pagsasama hanggang sila ay nabubuhay.



SALITANG MANGYAN
In mangakuyay in ag paypulong no ngami sino bataywa taybalae in sino agpanggisudan wa. In mangakuyay danaga usai in mangakuyay begle, No sino maiget wa in pulong sino agpaymaalwa in batay taybalae.
In begte agserbe was a daraga, agtulong wa sa mga panawen mangakuyay in daraga. Usai siyo agpamakan wa mga sablek kataw mga ablasen usae mga daiket balenganay usae mga amat kay pamanglen, In begte agsirbe anggan duwae kadagon, anggan lampas kay duwae kadagon.
In piagpataybalang wa, agpaypulong wakay in duwae kamgakuyay. in mangakuyay daraga usae mangakuyay in begte, no nakay pagbulan in agpataybalang gayed. In agpataybulang gayed bilog in bulan. Kalbas in beet mangakuyay mayo, abril pagbulan batang kuno maalen daan gayed in mga bilogan kansiro mga budang, usae in mga kuyay bilogan. Batang kuno mitulad daan asin pag mga bulan maalen.
Sa agpataybulang ina pagbayapon sa daraga usai in begte in pario mangakuyay agdamay sa kansiro mga budang sa tukawan pagyabi piyagpatekenan pisaw in taybalang.

(paniniwala)
Batang ngani marigen, usae maalen in kansiro pagmamaalan marigen kalbas adayunaw kay sa mga masket in kansiro batay mga budang, yewedmaskiten kalbas maaba in buway in mga budang siro, agpaltubang siro no agpay lalay in agpalibay sa amak. Batang ngani yewed agkaydapan agpamangket anapbuway usae lagi daan maalen in kansiro mga tugda bunton daan galen.




PAGHAHAMBING NG TALASALITAAN
ALANGAN MANGYAN
TAGALOG
daraga
dalaga
agagay
nagkakaingin
agsunog
nagsusunog
agdurok
naglilinis ng kaingin
agtimbon
nagsusunog na bunton ng damo
agbunsod yangaw
nag-iipon ng kahoy
paminian
palatandaan ng araw ng pagtatanim
agbirya sa kapwan
pananalangin sa paghingi sa panginoon ng masaganang ani
begle
binata
Agtuda
nagtatanim
Amberya kay ambuwaw
manalangin sa panginoon
ambuwaw
Diyos
aAgtadyok
nagtutulos
Agitalo
simisibol
Maelen
maganda
matalubo
malusog
mabulaw
maberdi
lakunaw
malaki
arunaw
marami
marpet
malimit
malkadayo
madalang
aglaot
malago
agpalbetek
nagtatapat
agisbuto
lumago, lumaki
aglkalayes
pahinog na
                            

ALANGAN MANGYAN
TAGALOG
layeswa
hinog na
again
nag-aani
agruyos
naggigiik
agbilad
nagbibilad
aglebek
nagbabayo
aglayap
nagtatahip
agpasiri
nag-aalis ng lisay
ag dadak
nag-aalis ng pinlid
agtungtong
nagluluto
agluwag
nagsasandok
agkuman
kumakain
agipanaw
lumalakad
maipulong
nag-uusap
malayat
magkasundo
agpalalay
magkatabi sa pagtulog
agapalibay
nakahiga
agpaylanglang
magkasalo
agpangulog
maghahanap-buhay
yangaw
kahoy
pisaw
gulok
galang
balanan
baya
apoy
kaldedo
kaldrero
amak
banig
benang
kumot

                             

Walang komento: